Happy Birthday to February Celebrants: Cathlyn Mel Imbao Cando, Jose T. Ignacio & Jess Nuñez... Congratulations to Janette "Jeng" Ellson-Espinosa & Roel Cancio on your Wedding Anniversary!!

Homepage
Sitemap
Purpose & Mission
Lost Friends Forum
Becoming A Member
Registration Form
Contact Us
NHS Memories
Live Chat
Guestbook
Message Board
Photo Gallery
Calendar
Newsletter
Links
Indiv. Class Yr
 


Nabago sa Linggong ito: Pebrero 14, 2005

Nabago Sa Linggong Ito...

On Spotlight: Ang Pamilya ni Gng. Erlinda R. Berdin

Patakaran sa Pag-aambag ng Akda

Pagbabago Sa 
Message Board

 


 Lingguhang
Update Archives
Enero 05, 2005
Enero 12, 2005
Enero 19, 2005
Enero 31, 2005
Pebrero 07, 2005

 


 Heritage

   SAPAGKAT ang mundo'y
           bayan ng hinagpis,
    mamamaya'y sukat
           tibayan ang dibdib,
    lumaki sa tuwa'y
           walang pagtitiis,
    ano'ng ilalaban
           sa dahas ng sakit?...

............

   PARA ng halamang
           lumaki sa tubig,
    daho'y nalalanta
           munting di madilig,
    ikinaluluoy
           ang sandaling init,
    gayon din ang pusong
           sa tuwa'y maniig...
.

--BALAGTAS  

 


TAWA NAMAN TAYO

I Don't Know

TEACHER: "Good morning,
class!"
STUDENT: "Good morning,
ma'am!"
TEACHER: "Our lesson for
today is about Biology,
 Boni, what is the scientific
name of coconut?"
BONI: "Cocos nucifera, ma'am."
TEACHER: "Very good!
Chari, stand up! What is
the scientific
name of papaya?"
CHARI: "Hindikus Alamus!"

Walang Wala
Math ang kasalukuyang
subject sa klase ni
Mister Danilo.
MR DANILO: "Dunggaw,
apat na mansanas,
bawasan mo ng dalawa.
Ilan ang natira?"
DUNGGAW: "Dalawa po."
MR DANILO: "Very good!
Gary, kung meron akong
 limang mansanas at
kinain ko ang isa,
ilan ang natira?"
GARY: "Apat na lang po."
MR DANILO: "Very good!
Anton, stand up!
May tatlo kang mansanas,
ang isa ay inilagay mo sa
refrigerator, ilan na lang
ang hawak mo?"
ANTON: "Tatlo pa rin po."
MR DANILO: "Bakit?"
ANTON: "Wala po kaming
refrigerator eh!"

Pilosopo
MR DANILO: "I am your
teacher, I am good in
three languages."
PIKAW: "What are the
subjects you're good at?"
MR DANILO: "Oh, I like
Math and English."
PIKAW: "How do you
say 'good morning'
in Algebra?"

 

 
Nabago sa Linggong ito: Lunes  Pebrero 14, 2005

Maligayang Araw Ng Mga Puso Sa Inyong Lahat!!

Tuloy po kayo!

Lubos naming ikinagagalak ang muli ninyong pagbisita sa ating Lingguhang Update.
Kung mayroon po kayong reaksyon o iba pang nais ipahatid sa amin,
huwag mag-atubiling sumulat sa nhsqcalumni@verizon.net




Ang captions sa larawang nasa itaas nina Ginoo at Ginang Berdin ay hango sa
 Florante at Laura “Kay Selya” ni Francisco Balagtas.
 

Pananaw Ng Administrador ng Sayt Laughing
Ang May Kagagawan: 
Chona Villafuerte-Go
NHS Batch 1986
Administrador ng Sayt na'to


Tulad ng karamihan sa atin, minimithi ng Samahang Pablik On-line (NHS Alumni On-line Community) na makamit at manatili sa puso ng bawat miyembro ang pag-ibig sa ating iskuwelahan...ang minsang sagana, malaya at maligayang pamumuhay sa ating Alma Mater, Mataas na Paaralan ng Novaliches.

Ang mga nakasulat sa ating update na inyong matutunghayan ngayong linggo ay taus-puso kong inihahandog sa aming II-1 at IV-1 adviser "Batch 1986", kay Gng. Erlinda R. Berdin...ang aming pinakamamahal na guro sa araling Pilipino.

I-click ang litrato
para  makita ito
ng mas malaki!

Napakarami sa atin ang nagsasabi na hindi nababagay ang wikang Pilipino sa mga pangangailangan ng mga Pilipino ngayon dahil anila'y kulang daw ito sa mga salitang kailangan sa pagtalakay ng malalalim na paksa tulad ng agham, pilosopiya, teknolohiya, sining at iba pa. Karamihan sa atin na may ganitong palagay ay wikang Ingles ang ginamit sa pag-aaral. Bagama't ginagamit din natin ang wikang Pilipino sa pang-araw-araw na usapan, malimit na kinakapos tayo sa mga salitang Pilipino na maaaring gamitin sa pagtalakay ng mga malalalim na bagay. Mapapansin na sa halip na pagbutihin natin ang ating paggamit ng sariling wikang Pilipino, minsan ay nasisisi natin ang naturang wika sa mga pagkakataon na hindi natin maisip ang mga salitang kailangan sa pananalita. Minsan sasabihin na lang natin, “Hindi masasabi ‘yon sa Pilipino,” o “Masyadong malalim ‘yon. Hindi maiintindihan ng iba.” Tila mas madali sa atin ang manghiram ng isang salitang Ingles na alam na natin sa halip na buklatin ang isang diksiyunaryong Pilipino. At upang mapagtakpan natin ang ating katamaran, huhulaan na lamang natin ang isang salitang Espanyol na sa wari natin ay katumbas ng iniisip na salitang Ingles at sasabihin na lamang na ito’y bahagi ng wikang Pilipino. “Accepted na ‘yan.” Kadalasan ay umuubra ang ganitong estratehiya dahil magkakahawig ang maraming salitang Ingles at Espanyol sa kahulugan at baybay. Ngunit paminsan-minsan ay pumapalpak ang ganitong hula-hula at nabibisto tuloy na kinakapos tayo ng matuwid na salitang Pilipino lalo na kapag ginagamit natin ang mga huwad na salita na hindi tunay na Espanyol at hindi rin naman Ingles.

Kaya ngayon mga pinakamamahal naming kaiskuwela at kamag-aral: inaanyayahan ko po kayong sariwain at buhayin ang damdaming makabayan - muli nating gamitin ang ating wikang kinagisnan...ang ating wikang Pambansang Pilipino!

Sige na naman! Halika na nga at maglibang Tayo!

Mag-ambag kayo ng Akda mga Kaiskwela!

Mga giliw kong kamag-aral at kaiskuwela:
Masaya kong hinahamon kayong lahat miyembro ng kalugaran ng Samahang Pablik On-line - sa mga maisipin at makabayan na ating kamag-aral gayun din sa ating kaiskwela na ipaunlad ang ating sining at lining Pilipino sa pamamagitan ng pagsusulat sa Wikang Pambansa.

Sa ibaba ay ilang paalala lamang sa ating magiliw na manunulat:

Patakaran sa Pagaambag ng Akda
-Dapat sa wikang Pilipino*
-Dapat matino, seryo at tuwid sa layong magpaturo sabay magpalibang sa mambabasa
-Dapat lagyan ng ukol:may-lagda/pangalan, petsa ng katha, kontak (email) at mga nota kung kinakailangan!

Payo Sa Akda
-Kung napakalalim o bibihira na di-mamasid ang mga palababra o salitang ginamit ninyo sa akda, inota, isalinwika ninyo sa ibaba ng akda. Pwede nyo ring  ilagay ang mga salitang dialect, ngunit pahintulot ko rin na isalinwika nyo ang kahulugan nito.

-Pinapayagan ang mga balbal o salitang kalye sa akda ninyo, ngunit dapat na may layunin ang mga balbal na salitang ito. Hindi lamang basta nilagay para isingit sa akda. Ang balbal ay dapat nagtuturo, nagpapalibang sa mambabasa, o nagpapainam ng pagbabasa, at di para mang-asar o magpalito sa mambabasa.

-Sa pagaambag ng inyong tula o anumang akda, di duda na likas ang mga anyong kasagisagan, at malalalim na salita. Pinupukaw ko na gawin ninyo na gaya ng nabanggit, muli isalinwika ninyo ang mga 'malalalim' na salitang ito.

-Sa pagaambag ng inyong sanaysay, dapat makaalam o informative para matuto ang mambabasa sa inyong pinapamumungkahi.

Nota at Babala
-Hindi lahat ng akda ay maaaring isabit sa pisera o pahina ng ating website lalo na kung ito ay 'basura' o simpleng di makakabuti sa mambabasa.
-Hindi rin tiyak na isasabit ang mga akda kahit palagay ninyo'y makabulohan ito. Nais kung ipaunawa sa inyong lahat na maaaring dahilan nito ang pagkukulang sa lugar sa ating Website, o sa kahigpitan ng oras. Ngunit nais ko ring iparating na maari din namang i-post natin ito sa ating 'Message Board upang ang panlahatang miyembro ang siyang mag-husga kung nararapat nga bang panatiliin o hindi nga ba ang inyong naturang akda!

_____________

*dahil ang wikang Pilipino o wikang pambansa ay base/batay sa Tagalog/Tinagalog, at mga katha o dagdag/hiram na salita/palabra/ekspresyon mula ibang pangkat/dialect ng katutubo/etnikong Pilipino ng Pilipinas, mga dayuhan, at usong mga bigkas sa pankasalukuyan o nakalipas, ipahiwatig n'yo narin sa orihinal na anyo, o tanggapang anyo, para masinag ang inyong pinapatalastas, sabay maintindihan ng mga magiisip/intellectual.

Matapos ninyong basahin ang inyong akda at pumayag sa kasunduang ito, pwede na ninyo itong isugo sa akin sa nhsqcalumni@verizon.net

MARAMING SALAMAT PO!!

  


PAGBABAGO SA ATING MESSAGE BOARD:

Bisitahin ninyo ang Kuwentong Dugtungan at ang Ngiti Naman English-Tagalog Translation! Tayo ng maglibang!!!

Mga Bago:

Individual Class Year Messages
We have just added this new topic so anyone can leave their own batch year a message…see you there!
Class Year 1968 (2 Replies)
Class Year 1968-1969
  Class 1982 (4 Replies)
Class Year 1985 (1 Reply)
Class Year 1986 (1 Reply)
Class Year 2001 (1 Reply)

January On Spotlight Features:
1/5/05 1/12/05 - 1/19/05
February On Spotlight Feature:
2/7/05
- 2/14/05


Job Opening:
For Immediate Hiring in the Phils: Distributor Specialist/Area Sales Manager
Company: Green Cross, Inc. (manufacturer of Zonrox, Green Cross Alcohol, Lewis and Pearl Cologne, Del Fabric Softener, Glide Ironing Aid, and Greenex)

Thanks For The Warm Welcome
By Gerry Bayona Dec-Jan Moderator
Welcome Feb. 2005 Moderator
Let's welcome Benjie Canonoy Batch 1984 -

Currently On NHS
Read about what’s been happening in Novaliches High School

Edward Logan Batch 1993 -
International Human Rights Advocate

Edward Logan is the youngest Filipino-American human rights advocate ever to participate raising awareness in the international community about the North Korea Freedom Act of 2003

Mr. Romeo Salvador (batch 84)
For all of you out there who wants to have their special occasion recorded professionally, we recommend that you go and check out his studio... s

About Mr. Cesar Sta. Maria
Mr. Wondering what happened to Mr. Sta. Maria - Asst. Principal during the 80's, then you've got to read this!


Launching gig of NHS Band
Last Feb. 10 (Thursday), 7pm onwards at Booze Stop Bar & Grill. Yes, all band members are present students of Pablik. Let us support them. They could be the next Inertia!

NHS Career Talk '05 Matagumpay
Matagumpay na naidaos ang NHS Career Talk noong ika-18 ng Enero, 2005 sa Covered Court (dating Quadrangle) ng paaralan. Ang aktibiting ito ay proyekto ng Guidance Office sa pangunguna nina Mrs. Edith Dancel at Mr. Gilore Ofrancia. Ang tema nito ay: "Getting Started: Paths to Take towards the Greater Future"

COMPUTER JOKES
CIA - COMPUTER INDUSTRY ACRONYMS
Ten Commandments For Stress Free Programming...
Computer Error
Software Upgrade
Computer Password

Pinoy/Tagalog Movie Titles in English
Badly titled
movies ng pinoy which we can't help but literally translate them in english, and it sounds REALLY funny! Plus a personal view of what’s happening  to our Phillipine Entertainment

Kuwentong Dugtungan
Rules: Ituloy ang kuwento sa pamamagitan ng pagdagdag ng limang (5) salita lamang, walang labis, walang kulang. “Noong unang panahon may isang…”

A Name Game Just For Fun!
Anybody who wants to change their names to a more celebrity-sounded one? Then you've got to read this...

Ngiti Naman! English Tagalog Translations

It’s a forum filled with jokes and even the less famous proverbs…This is a must see, we dare YOU!

Mumunting Salawikain!
Para sa lahat, lalong-lalo na sa mga kababayan nating nakakalimot na!! Basahin ninyo itong mabuti, mamaya may test kayo!!
.
Around The House: Roachless
Tips para sa maraming ipis!

[ Poll ] Mc Donald's or Jollibee?
Did you know that the Philippines is the only country in the world where McDonalds isn't the number 1?

December 2004 New Members
[Page 1, Page 2]
January 2005 New Members
[Page 1
, Page 2]
February New Members
See who just joined in, maybe you’ll even find your long lost friends here…check them out!

February Birthdays & Wedding Anniversaries
Birthday: Cathlyn Mel Imbao Cando, Jose T. Ignacio & Jess Nunez
Wedding Anniversary: Janette "Jeng" Ellson-Espinosa & Roel Cancio

We hope you’ll take a moment and greet our fellow members on their special day. Thank YOU!

Lost Friends For The Month of
December 2004

Lost Friends For The Month of
January 2005

Lost Friends For The Month of
February 2005

If you have any information about any one of them, PLEASE let us know! Let’s help our fellow members find their lost NHS friends…

In Memoriam: Hilario Robles '93 (+)
Goodbye to a good friend...

 

 

 


ON SPOTLIGHT:
"Ang Pamilya Ni
Gng. Erlinda del Rosario Berdin..."

Sapagkát Araw ngayon ng mga Pusò, hayaan ninyong ipagpatuloy natin ang tema ng mga pusò. Alám nating kung may Heart of Gold ang isáng tao, siyá ay napakabaít, matulungín at mapagkawang-gawâ. Si Gng Erlinda R. Berdin sampu ng kanyang pamilya ay natatangi dahil sa kanilang mga napiling propesyon...mga propesyong kinakailangan ay mga taong may ginintuang puso - mabait, matulungin at mapagkawang-gawa.

Lubhang mapalad tayo ngayon sa "On Spotlight" dahil nabigyan tayo ng pagkakataong lubos pang makikilala ang ating ginagalang at kinahahangaang guro na si Gng. Erlinda R. Berdin...

 

Ang Pamilya Berdin:
(Nakatayo mula sa Kaliwa):
Roger Lionsid at ang kanyang asawa si Jacqueline, Racelyn, Rodelyn, Rogelyn at anak na Angelynd, at si Roger Jr.
(Sa Harapan mula sa Kaliwa):
Joelle, Ginoong Roger Berdin kasama ang apong si John Rhyss, si Ginang Erlinda R. Berdin kasama ang apong si Ajie
Babala: Wala sa larawan ay si Johnny asawa ni Rogelyn,
at ang mga bagong panganak na apo na sila Earl john (anak
ng mag-asawang Johnny at Rogelyn) at si Angelika (anak
ng mag-asawang Roger Lionsid at Jacqueline)

 

Sino nga ba ang maaaring makalimot sa popularidad ni Gng. Erlinda R. Berdin? Siya ay kilala bilang disiplinado at epektibong guro. Siya ay namumukod tanging IV-1 Adviser at pangunahing alagad at guro ng Pilipino sa Mataas na Paaralan ng Novaliches mula 1974 hanggang taong 2000.   Siya'y natatangi dahil sa kanyang marubdob na pagsisikap upang mapalaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Talaga namang napasigla niya ang paggamit ng kanyang mag-aaral sa Wikang Pambansa.

Samahan ninyo ako at balik-tanawin natin ang magandang talambuhay ni Gng. Erlinda R. Berdin. Nawa'y magsilbi itong gabay at inspirasyon sa ating lahat upang ating makamtan ang kasaganaan at biyayang laan para sa atin ng Maykapal...

Isinilang si Gng. Erlinda del Rosario Berdin noong Marso 30, 1939 sa Lugam, Malolos Bulacan. Nag-iisang anak
na babae ng mag-asawang
Nicanor del Rosario (US Army Soldier noong World War II na kasamang nabawian ng buhay noong Bataan Death March) at ni Julita Caparas-del Rosario na hanggang sa kasalukuyan ay mapalad na biniyayaan ng Maykapal na mamuhay ng masigla sa Malolos Bulacan.

I-click ang litrato
para  makita ito
ng mas malaki!
Nag-aral si Gng. Berdin sa Colegio de Nuestra Sra. Del Carmen (na ngayon ay Carmeli-La Consolacion College Branch) sa Barasoain, Malolos, Bulacan at nagtapos sa elementarya at high school bilang valedictorian at isang matagumpay na manunulat at mambabasa ng kanyang panahon.

Sa kanilang barrio noon 1960, si Gng. E. R. Berdin ang kauna-unahang nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay nakatapos ng Bachelor of Science sa Edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas Class of 1960, MA sa Edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas at sa Far Eastern University.

I-click ang litrato
para  makita ito
ng mas malaki!

Kasaysayan Sa Pagtuturo ni Gng. Berdin (Teaching History)
Taong 1964-1967  QC High School, Kamuning (Unang high school o mother school ng lahat na QC High Schools sa dibisyon)

Taong 1967-1974  QC Science High School, isa sa mga pitong guro na napili mula sa iba-ibang mataas na paaralan at subjects. Filipino Department Head, Senior Class at School Paper Adviser.

Taong 1974-2000  Novaliches High SchoolIII-1 adviser sa unang taon at naging IV-1 adviser ng kasunod na taon, School Paper (Ang Talisman/ The Reservoir) Adviser, Dean of Discipline, Composer ng ating Alma Mater Song at School Prayer.

Mga Natatanging Karangalan:
-Division of QC Curriculum Writer
-Outstanding Teacher ng NHS, 1995
-Book Writer sa  Filipino para sa Fourth Year (abridged Rizal's Noli & Fili, Sinag IV & Likha IV at corresponding Workbooks).

Si Gng. Erlinda R. Berdin  ay nakaisang-dibdib ni ROGER BERMUNDO BERDIN ng Bacacay, Albay noong 1962 (Hulyo 17, kasal na civil at  Oktubre 1 sa simbahan), nagtapos ng BS Commerce
sa FEU. Matagal siyang konektado sa a trucking company, Fortune Tobacco Phils. bago tuluyang nakapagtrabaho bilang “OCW”  mga sampung taon sa  Riyadh at Jeddah, KSA. Matapos noon ay namahala siya sa Copra Plantation na kanyang namana sa kanyang pamilya, siya rin ay SSS pentioner, at madalas na nagliliwaliw sa Austria kasama ni Gng. E. R. Berdin.


Si Gng. Berdin ay maagang nakapag-retiro sa edad na 60 lamang sa paguudyok na rin ng kanyang mga minamahal na anak at ng mga pinag-kakaabalahan niyang mga apo para siya ay magkaroon ng panahon na makapaglibot at makabisita sa kanyang mga anak na nasa iba-ibang sulok ng mundo.


 
I-click ang litrato
para  makita ito
ng mas malaki!



ANG KANILANG MGA ANAK:


Si Gng. Berdin kasama si Irene (asawa ng anak niyang si Roger Jr.) at si (Jacqueline asawa naman ng anak niyang si Roger Lionsid)

ROGER, Jr. (ROY). (pinanganak noong 1962), nagtapos ng high school sa NHS batch '78, enlisted personnel Phil Navy, ISAFP, kasalukuyang nasa Saipan, Boarding at Cargo Agent ng Saipan Shipping Company CNMI, siya ang tagapamahala ng mga vessels na nagmumula sa Japan. Napangasawa niya si Irene Medalla na taga Lungsod Quezon, guro at assistant administrator sa  Sto. Nino de Novaliches School sa Novaliches.

I-click ang litrato
para  makita ito
ng mas malaki!

ROGER JOHN (pinanganak noong 1963), na binawian agad ng buhay matapos lamang ang walong buwan.

MA. ROGELYN (pinanganak noong 1969), nagtapos ng high school sa Our lady of Grace Academy. Nakapagtapos ng  BS Dentistry sa Univ. of the East, Private Practice-dentist/orthodontist sa  Novaliches. Napangasawa niya si Johnny Marcadejas na taga- Pangasinan, dating University of the East Basketball at PBL Player, kasalukuyang Bar Waiter sa Royal Carribean Cruise Line. Sila ay mapalad na nagkaroon ng tatlong anak: Ma. Jhoana Lyd (13 anyos), Ma. Angelyn (6 anyos), Earl john (1 taong gulang).


Marcadejas Family
I-click ang litrato
para  makita ito
ng mas malaki!

MA. RODELYN (pinanganak noong 1974), nagtapos ng high school sa NHS batch'91, BSPT  sa University of the East, Private Practice PT at commisioned officer (2nd Lt), Medical Administrative Corp sa AFP bago siya nagpunta sa Amerika. Kasalukuyang  Licensed PT sa Texas. Dati ay sa  Aegis Therapies at Kindred Rehab Services at sa kasalukuyang naman ay nasa RehabCare Group's Skilled Nursing Facility sa Galveston, Texas.

I-click ang litrato
para  makita ito
ng mas malaki!

MA. RACELYN-LEDL (pinanganak noong 1975),nagtapos ng high school sa NHS batch '91, BS Nursing sa Chinese Gen Hosp School of Nursing, kasalukuyang nasa Vienna, Austria matapos ang kanyang kolehiyo. Siya ay may Diplomiette Gesunde-und Krankenscwester at kasalukuyang nasa Geriatriezentrum Baumgarten mga anim na taon na sa ngayon. Siya rin ay citizen na ng Austria.

Austria '04
I-click ang litrato
para  makita ito
ng mas malaki!

ROGER LIONSID (pinanganak noong 1977), nagtapos ng high school sa NHS batch '93, BSPT sa St. Jude College, siya rin ay  aspiring officer ng NAPOLCOM. Napangasawa niya si Jacqueline Reyes (NHS batch '93, Valedictorian at Miss Alma Mater, Editor in Chief na ngayon ay nasa Vienna, Austria na rin). Sila ay mapalad na nagkaroon ng tatlong anak: Arnel Jay (11 anyos), John Rhyss (5 anyos), Angelika (1 anyos).

I-click ang litrato
para  makita ito
ng mas malaki!

Isang GURO, "OCW", SUNDALO, NURSE, PHYSICAL THERAPIST, DENTISTA...hindi ba't lahat ng propesyong ito ay maituturing na bayani ng ating bayan? Ang mga Pilipino ay may tunay na konsepto ng isang pagiging bayani. Matapos nating kilalanin ang buong pamilya ni Gng. Berdin. Tanong ko lamang naman ay: "Ano nga ba ang kahulugan ng salitang 'bayani'?" Di ba't ang mga bayani ay siyang may malasakit sa kanyang mga kasama. Nagtataguyod ng mga bagay ukol sa kanyang pinagmulan. Higit sa lahat alam natin, na hindi lamang ito tumutukoy sa katapangan kundi sa talino, katapatan at kakayahang nasubukan at napanday sa aktwal na labanan.

Ang PAMILYANG BERDIN tulad ng salitang bayani ay tunay na may sariling kasaysayan....

Mula sa lahat ng miyembro ng Novaliches High School Alumni On-line Community, binabati namin ang Pamilyang Berdin ng Mabuhay!! Isa kayong "tunay na inspirasyon"...

PAHABOL: Maraming salamat kina Rodelyn at Racelyn Berdin  sa kanilang tiyaga at panahong inukol sa pagkalap ng mga larawan at ng mga impormasyon tungkol sa kanilang inang si Gng. E. R. Berdin gayun din sa kanilang buong pamilya….Muli ang taos pusong pasasalamat ng marami sa lahat ng inyong tulong!

(Ang May Akda sa On Spotlight ngayong Pebrero 14, 2005:
Chona Villafuerte-Go NHS Batch 1986)

 


Maraming Salamat sa mga sumusunod na  
Message Board Contributors:
Jaime Balanay
Gerry Bayona
Cindy Bautista
Mercedita Bontoc
Mike Bote
Benjie Canonoy
Roel Cancio
Rachelle Erika Libunao Dancel
Hernani & Erlinda Del Rosario
Alexander Domingo
Janette Ellson-Espinosa
Jaypee Estigoy
Elizabeth Ellson-Fernandez
Norman Aceron Garcia
Arlene Hipolito
Romarico G. Igot
Florescel Rodriguez Laparan
Perpetua Socorro Vaughn-Canton (Nee Licarte)
AKA "Perpetua Licarte"

Sergio Lugod
Jaime Macaraeg
Elizalde Muyon
Joey Ordonez
Joseph Paras
Mark Rone

Gayun din sa mga Usernames:
aimagene at  almater
(Walang nakatalang personal na impormasyon)

Mabuhay! Harinawang magsilbing inspirasyon kayong lahat ng buong miyembro ng ating samahang NHS Alumni On-line Community!
Laughing
 


Maraming Salamat kina: jonathan_perfecto@yahoo.com, blue_winter17@yahoo.com, guila@lycos.com, cute_g_24@yahoo.com, cherleen_aquino@yahoo.com, digitalpimp_21@yahoo.com, mgrace5379@yahoo.com, yoj9ap@yahoo.com, ojaustria@pldt.com.ph, philedy_hmp@yahoo.com, hadelro@yahoo.com, archua1@comcast.net, petvaughn@telus.net, ruben_esp@yahoo.com, jrodtd@aol.com, joyr_esp@yahoo.com, nhong_babes@yahoo.com, naustria@yahoo.com
sa lahat ng inyong member referrals.
Dagdagan niyo pa po
!